Skinpress Rss

27 Messages


Approximately 5 years ago, may 27 messages ako galing kay Ella. Hindi ito tulad ng sangkatutak na emojis, greetings, words of wisdom, bible verse at kung anu-ano pang kaekekan nya na madalas binabalewala ko lang. Isa iyong nobela. Isang narration how things started to an end.

Isa iyong break-up message. Full of emotions kahit walang emojis. Walang maling typo. Pinaghandaan. Pinag-isipan. May realizations. Lessons. At pamamaalam.


Mang Pido


Ngayon na lamang ulit dumaloy sa aking mukha ang tila gripo ng pawis. Animoy bukal ang bawat butas ng aking mukha dulot ng nagngangalit na sikat ng araw.

Bitbit ang ilang supot ng pagkain at gamot ay inikot namin ang kinalakihan kong lugar. Ngiti ang salubong ng mga nakakilala pa sa akin at may hindi nga napigilang yumakap. Iba sa pakiramdam ang kawang gawa.

Pinuntahan ko sina Mang Pido at ang kanyang asawa. Lumaki akong naglalaro sa kanilang talyer. Noon ay kunyaring nagmamaneho ako ng mga ipinagagawang sasakyan o di kaya naman ay mekaniko din. Nabalitaan kong baldado na ang matanda matapos tamaan ng stroke. Ang kanya naman asawa ay nakikipaglaban sa tuberculosis.

Sibuyas



Duguan kong isinugod sa ospital ang aking ina. Nagulatang ang maliit na emergency room na tila hindi sanay sa biglaan. Umiiling ang nurse kung paano magsisimula sa dami ng sugat na tinamo sa katawan.


****

Naiiyak ako habang naggagayat ng sibuyas. Malapit na ang hapunan pero wala pang lutong nauumpisahan. Nakakaiyak magluto kapag walang alam sa kusina lalo na kung lumaking tagatikim.


Walang kurap na tila nakikipag-usap ang aking ina sa larawang nakadikit sa kwadradong kahoy. Isang matikas na lalaking nasa unahan ng watawat na simbolo ng kabayanihan matapos magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng karamihan. Isang bayani na kailanman ay hindi nalathala sa aklat, dyaryo o maging sa supot ng pandesal.

Bilib na ako kay Jenny


Bumili ako ng bulaklak. Tig-iisang pink, red at white. First time ko ginawa ito kaya nakakaproud. #kmjs 

"San ka na?"text ni Jenny. 

"Palengke pa." 

"No gawa mo dyan?"

"Secret." "Ano nga? Bilis!" 

"Bumili ng patuka sa manok." 

"Ay akala ko pa naman." 

 Kagabi, may pangkwentong MMK na naman si Jenny. Madalas naman jolly siya kaso kapag usapang pag-ibig medyo sablay talaga. Dinalahan niya ako ng beer at isang pakete ng chicharon na may unlimited betsin. Hindi sya umiinom, trip nya lang ako kausap na amoy alak. Tinanong niya ako kung bakit wala pa akong lovelife. 

"Wala e." 

"Tinatamad saka baka hindi ko mapangatawanan. Alam mo na medyo may pagka-oldies tayo." 

"Hindi mo kaya mag-adjust? Or try man lang." 

"Yun e. Ayaw ko naman ang trial. Gusto ko ang classic love story nina Erpat. Tipong tadhana na ang magtutulak sa inyo. Paggising isang araw mahal na." 

"Sabagay. Parang magnet ang parents mo e. Hindi lumalakad ng wala ang isa. Pero sa panahon ngayon may ganon pa ba?" 

"Meron pa naman siguro. Ikaw bakit single pa?" 

"Ako? Naghihintay lang." 

"Hanggang kelan?" 

"Pasok December Avenue with Moira!" 

"Ano?" Kahit kelan may pagka-alien kausap din si Jenny. 

"Basta! Slow ka talaga sa ganyan!" 

"Selfie tayo?" Alam ko kung paano pangitiin si Jenny kahit magmukha akong tanga. Nakadikit ang aming ilong sa gilid ng mesa habang pinalalaki ang mata. Para kaming nanonood ng langgam na magkahawak ang kamay. Titingin siya sa akin. Ngingiti na parang nakasimangot. Minsan pout. Basta ganun. 

"Sayang hindi na uso ang padevelop!" panghihinayang ni Jenny. 

"Oo nga. Pero pwede pa naman!" 

"Sige! Pagawa ka dalawa. Tig-isa tayo tapos lagay natin sa wallet."

Nitong mga nakaraan, hindi na humihingi ng tip si Jenny sa mga bagay ng trip ng lalaki. Nakikipaglaro na lang siya ng Mobile Legends. Minsan inaabot pa kami ng madaling araw. Main hero niya si Karina kaya nga lang kahit sa ML sobrang clingy at dependent ng character nya. Pero kapag nagalit, grabe maniac sa loob ng ilang segudo! Walang pagkakaiba sa pagbugbog niya sa akin. So ito nga, galing ako ang palengke para bumili ng bulaklak. Ibibigay ko kay Jenny. Hindi ito tulad ng dati na kailangan niyang sabihin para gawin ko. Kusa ito. Deserve nya naman kasi. Nakakaiyak di ba? Sobrang bait niya. Imagine mula pagkabata tropa na kami. Madalas nga kaming pagkamalan na magjowa. Minsan sinasakyan na lang namin. Iniisip ko nga kaya siguro walang manliligaw si Jenny kasi lagi akong nakabuntot. At alam kong gusto din niyang makatanggap ng bulaklak regardless kung bf, kaibigan o stranger. Wag lang chocolate kasi medyo mahal. Sinalubong ako ni Jenny ng may pinakamatamis na ngiti. Iba talaga ang hatid ng Valentines Day sa mga babae.


"Aba may bulaklak ah!" may nagbigay na pala kay Jenny. Akala ko pa naman ako ang una. "Syempre! Maganda e!" 

"Mukhang natauhan na ah!" May nagparamdam na kay Jenny kahit Jedi sya. 

"Talaga! Selos ka no? Hindi bale ikaw naman ang kasama ko sa pag-uwi e." 

"Natural! Service mo ako e!" 

"Sus! Sinisira mo naman ang moment! Galing lang to sa mga students ko." 

"May pantapat ako dyan! Teka lang." Pumunta ako sa tricycle saka iniabot ang binili ko kaninang bulaklak. "Saka itong patuka," tukoy ko sa mumurahing nachos na titirahin namin mamaya habang naglalaro ng ML. 


"Rank game mamaya. Game? My place." 

"Aba nausuhan! San mo ito pinitas?"  

"Ay hindi nakaappreciate?" 

"Nakapaninibago lang. Pasweet? May balak? Naku." 

 "Utot mo! Sabihin na lang natin na reward mo yan." 

"Hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti sya. 

"Wow ha? Kailangan hawak pa?" Sumimangot siya na parang nakangiti tapos pout ulit. 

"Valentines e!" Kinutusan ko sya. Natatawa pa ako sa aking maitim na balak. Inilapit ko ang kanyang kamay sa aking likuran saka ko ikinamot sa aking pwet. umuwi akong may pasa. 

"Ligawan ko kaya si Jenny?" tanong ko sa sarili. Umiling ako. "Malamang hindi ako papasa. Wag na lang." 

 -wakas-

Usapang Pussy Cat


Hindi ito kwento. Isa itong rant ng isang mabait na mister sa kanyang misis na dinadaan sa sulat sa takot na mapagalitan.

Linggo. Isang araw na sana ay pahinga matapos ang stressful na araw dulot ng trabaho. Inilapat ko ng maayos ang aking likod sa cleopatra na gawa sa kahoy para manood ng balita. Ilang araw na akong hindi updated sa nangyayari sa palagid bukod sa pagkaabala ng mga netizen sa kanilang x numbers of reacts.

Tikatik


Matalim ang pagdampi ng tikatik ng ulan sa bubong. Tila sinusubok ang tibay ng yerong kinain na ng kalawang. Dapit-hapon na ngunit ipinagkait ng ulap ang ganda sanang hatid ng paglubog ng araw.

Nakatingin si Claro kay Eljane habang sinusuklayan ng asawa. Nakangiti ito sa kanya. Sa estima niya ay kulang ng isang dangkal ay aabot sa puwitan ang buhok ng bunsong anak. Maganda ang tuwid na buhok nito. Ika nga ay walang sabit ayon sa commercial ng isang brand ng shampoo.

"May balita ba kay Elmer?" tanong ni Rosma. Iling ang sagot ni Claro. "Kay Oca? Kala ko may alok sayo?"

"Nabulilyaso, nagkakahulihan daw. Kausapin daw niya ang mayor para pwede akong kumubra ng STL "

Lumakas ang ulan na tila kakampi ni Claro upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang bilang haligi ng tahanan. "Mukhang bibigay na ang bubong natin. Dapat maipaayos bago magtag-ulan."

"Siguro naman may balita na sa isang Martes." Naglagay ng apat na plato sa hapag si Claro. Inilagay sa gitna ng kaldero ng kanin at apat na kwek-kwek na halos matabunan ng tinadtad na pipino. "Kain muna kayo. "

"Dapat lang magkatrabaho ka na. Si Elma ay walang delhensya. " Tinapunan ng bahagyang tingin ang panganay. "Malapit na ang kabuwanan nyan at wala tayong pagkukunan."

"Andyan na yata sundo nyo," putol niya sa pagtatalak ng asawa.

"Ako na lang ulit ang gagawa ng paraan. Elma kilos-kilos at wala tayong pang cesarean!"

"Opo!"

"Dadalaw tayo sa ninong mo, Eljane." Sinipat ni Rosma ang bihis ng anak at saka sinabuyan ng mumurahing pabango. "Sundin mo lang sasabihin nya ha. Mabait yon. Galante pa! Huwag ka mahihiya don. Nasa kusina lang ako ha at magluluto ng kakainin nyo."


Matalim ang pagdampi ng tikatik ng ulan sa bubong. Tila sinusubok ang tibay ng yerong kinain na ng kalawang. Dapit-hapon na ngunit ipinagkait ng ulap ang ganda sanang hatid ng paglubog ng araw, tulad kamusmusan na maagang inagaw.

Inihatid ng tingin ni Claro ang mag-ina. Habang si Elma ay hinihimas ang sinapupunan. Lumuluha.

- wakas-




Buwitre




Naglalaban ang ulirat at antok habang nagbubuhol ang dila. Unahan ang mga salitang gustong kumawala sa bibig. Ngiti. May kasama pang mura.


Tumaas ang kanyang tagay habang numinipis ang sa mga kaharap. Mura ulit. Malutong pa sa pulutang chicharong bulaklak. Ngiti ang sagot ng ilan. Kindat naman sa iba.

Nakatago sa likod ng makapal na usok ang matang mapagmasid. Nakikiramdam. Naghihintay ng pagpikit ng mata at paghupa ng ingay. Tila mga ibong buwitreng nakaabang sa matapang na hayop na unti-unting nilalamon ng kahinaan.


Ungol. Ungot. Mura. Iyon na lamang ang maririnig sa kanyang bibig. Bumagsak ang lamog na katawan sa gilid ng sofa. Dinaig ang tinibang saging. Tumayo ang isa upang alalayan siya. Inayos ang kanyang pagkakahiga.


Sa kisap ng mata ay sumalakay na ang mga buwitreng nakaabang. Hindi importante kung sino ang mauuna ang mahalaga ay makatikim ng laman sa napiling biktima.

- wakas-

Hamog


Ngayon na lang ulit may lumabas na tila usok sa aking bibig dala ng hamog at lamig ng umaga. Noon ngang bata kami ay tila may built-in vape kami sa bibig o yong klasik na magkaibigan ni lola na apoy ang nasa bibig. #lituhinnatinangkidsnowadays

Sa ganitong tahimik na umaga, may kikiliti sa nagtutong na kokote. May sasagi na sa isip habang humihigop ng kape at bumubuga ng yosi. Hahalo sa hangin ang usok ng kape, yosi at hininga hanggang sa maglaho. Parang love.

Langya. Ngingiti. Iiling. Nakakalito. Parang love.

Doon mo maiisip ang isang taong labis mong minahal na dapat mo nga bang kalimutan o lagyan ng puwang. O kaya naman ay ang taong winasak mo ng sobra pero hindi mo makalimutan dahil mas masaya na siya noong wala ka na sa buhay nya.

Langya. Ngingiti. Iiling. Nakakalito. Parang love.

Tapos may lalabas na hanging mula sa tiyan na bubura ulit ng lahat ng alaala.

- wakas-

PIKO


Dumampot ka ng bato at gumawa ng guhit. Inihagis ang pato at agad naman akong sumunod. Hindi ko matandaan kung nanalo na ba ako sa piko. Kagabi, dumampot ka ng bato at gumawa ulit ng guhit. "Uso pa ba ang piko?" tanong ko. "Pero bakit paikot?" "Hanggang dyan ka na lang! At wag tangkain sumunod." Humakbang ako. "Isang hakbang na lang required kang mahalin ako." Naghagis ako ng pato. "Sunog ang iyong bahay. Pwede na kitang ibahay." WAKAS