Skinpress Rss

The Weather is Inviting


image : mel martinez

Pumasok kami sa silid na may dalawang pintuan pero walang bintana. May maliit na lamesa sa kanan at may malaking kama sa gitna. May aircon, telepono at cable tv pero hindi afford ang sofa. 

Humiga agad si Hersey. Dalawa o tatlong beses yata siyang tumalbog. Kita ko ang kanyang pusod. Iniisip ko na agad kung saan kami aabot. Gigil na agad ako. Hinawakan niya ang aking kamay na kasing lamig ng yelo. Tinapik nya ang higaan. Hindi ako nagdalawang-isip tumabi.

"Ligo lang ako," bulong niya kasunod ang malagkit na ngiti.

Wala sa reyalidad ang isip ko ngayon. Gustong umalis ng kaluluwa ko sandali para takasan ang bigat ng iniisip. Unti-unting kinakain ng alalahanin ang aking pagkatao.

Mabait ang magulang ko. Hindi nila hinihiling ang mataas na grado. Basta pasa. Kahit tres basta wag singko. Pinipilit kong sulitin ang bawat sentimo nilang pinagpapaguran. Ilang araw na nga akong puyat sa pag-aaral.

Hindi ko talaga trip ang BioStat. Lalo na si Sir Torrecampo. Hindi ko masakyan si Gregor Mendel. Isa siyang pari pero nag-abala sa pag-aaral ng buto ng patani. Siya ang pasimuno ng lahat ng aking paghihirap. Anong pakialam ko genetics!


Sabi ng Prof ko sa Psychology, ang kambal kahit palakihin sa parehong paraan ng magulang ay magkakaroon ito ng magkaibang prospective, values, beliefs, kakayahan at kahinaan. Kaya balak kong ipakiusap si Sir Torreccampo sa kanya para malaman niyang hindi lahat ng estudyante ay kaya ang Biostat. May mga taong mahilig sa acads, sports, pormahan, tumambay at yung iba magmahal. At lahat dumadaan sa pagiging stupident. Nabobobo.



Hindi naman ako pabaya. Marunong ako sa Math at Science. Hindi ako honor student pero perfect ako sa attendance. Hilig ko ang Biology lalo na ang Natural Selection ni Darwin. Hindi ko lang talaga kaya ang larangan na ginagamitan pa ng analysis. Ayaw ko din ng reasoning. Mahirap aralin.


Si Hersey yung katabi ko sa Physics. Bagay sa kanya ang pangalan niya kasi amoy chocolate. Madaldal siya at makulit. Boring daw akong kausap kaya nachallenge siya na i-tropa ako. Tingin niya sa akin isa akong guinea pig. Magaling siyang magturo. Kapag positive daw ako, isa akong proton kapag negative naman isa akong electron at kapag wala akong pakelam isa akong neutron. Magaling siya. Lahat handa niyang ituro sa akin. Umabot nga sa naghubad na siya para alam ko din ang human body system kahit hindi naman namin subject. Nalaman ko tuloy ang voluntary at involuntary muscle pati na din ang muscle control.


"The weather is inviting," text niya sa 'kin. "Tara! San ka?"

"Dito sa puno." Kapag ganun ang tema ng usap isa lang ang pwedeng puntahan.

Hindi ko na maaninag ang mukha ni Ely. Pilas na ang huling pahina na pinakaingatan kong songhits. Hindi ko na mabasa ang lyrics ng Huling El Bimbo.

"Pwede makiupo?" tanong nya sa akin. Ngiti lang ang sagot ko. Umupo sya.

"Bakit ka malungkot?" may pagtatakang tanong niya.

"Wala ba akong karapatan malungkot?" sagot ko.

"Ang bobo mo naman! Hindi sa tinatanggalan kita ng karapatan kundi gusto ko malaman ang dahilan."

"Hindi ako bobo, matalino ako. Kaya nga dito ako nag-aral."

"Oh bakit ka nga malungkot?"

"Ang sabi nga ng isang kanta "Maybe we'll realize, we're only human", yung ang dahilan."

"Maybe we don't need no reason."

"Yup."

"Subukan mo kasi minsan maging tao. Wag mong gayahin ang rebulto ng school na 'to. Nawawalan ng sense sayo ang fertility tree. Dito ka pa tumambay. Tara na! Habang kulimlim pa."


Naniniwala ako kay Hersey na ang mga bituin ay katumbas ng bilang ng tao. At sa bilyong tao sa mundo ay may nakalaan talaga para sayo. Minsan nga lang hindi mo napansin o di talaga pinansin kaya lumampas lang tulad ng ng nahulog na tala o falling star. Ang madalas kasi natin tinitingnan ay ang pinakamaliwanag. Naghahangad tayo ng sobra. Never settle for less, ika nga? Sa Geometry merong complementary at supplementary angles na kaya siguro itinuro yon satin para makita ang tama para sa atin. Hindi pwede palaging greater than o equal to. Tumingin muna sa angulo. Baka click yung iisa ng trip o parehas sa halos lahat ng bagay. Mas madali kumilos kung solid o complementary. Ika nga iisa ang amoy ng utot. Meron din naman na you find yourself complete kapag may pupuno ng kulang. That's supplementary!

Kami ni Hersey. Hindi ko pa alam. Dati lines lang kami na biglang nag-intersect sa common point. At  yun ang gagawin namin ngayon.


Naglalaba pa yata si Hersey sa tagal sa banyo. Naitumba ko na ang baon naming dalawang bote ng beer. Dapat tig-isa kami. Lumabas si Hersey. Nakatapis. Hugis na hugis ang katawan niya. Nakapaglalaway ang kinis na hinaluan pa ng pagkawetlook.

"Pwedeng huwag mo munang isipin ang BioStat?" Hinalikan niya ako habang inaalis ang telang bumabalot sa aking katawan.

"Ramdam ko ang tama ng alak. Hindi ko alam kung saan ako aabot."

"Gago ka e. Hindi naman tayo pumunta dito para tumungga."


"Tagal mo e. Naglaba ka pa yata."

Patuloy siya sa kanyang ginagawa. Halik sa labi, leeg, dibdib hanggang pababa.

Napapapikit ako hanggang sa tuluyang pumalaot ang isip ko.

"Huy! Gago! Dan!" Nakaidlip na pala ako.


Kapag ganitong malamig at umuulan ang gusto ko lamang gawin ay matulog. Indeed, the weather is inviting.

-wakas-