Skinpress Rss

Lawas - Maikling Kwento



Maitim ang kaulapan sa kabila ng tirik na araw. Nilalamon ng makapal na usok ang bawat pagtatangka ng pagsilip ng araw sa Lawas. Pahupa pa lamang ang takot na namayani mula pa kagabi. Maging ang mga batang kadalasang naglalaro at ubod ng saya ngayon ay tila mga sisiw na nagkukubli. Ang galos ng matandang babae sa kanyang binti at braso ay alaala ng sunog na tumupok sa lugar. Ang kaserola sanang sisidlan ng pagkain ay nagsilbing tipunan ng mga bagay na pwedeng pakinabangan.


Ang kalye ng Rizal Avenue mula sa lungsod ng Batangas ay nagsasanga pagsapit ng sambat. Ang kanan ay patungong kapitolyo habang ang nasa kaliwa naman ay sa bayan ng San Pascual at Bauan. Simula ng palakihin ang pantalan ng Batangas ay dumagsa ang negosyo at kasunod nito ay ang paglobo ng bilang ng tao. Sumikip ang lungsod pati na din ang mga kalsada.

Pakyaw - Maikling Kwentong Pambata


Parang mga batang nagtitinikling ang mga ibon sa dalampasigan habang naghihintay ng malinamnam na agahan. Kadalasan ay nakikipaglaban sila sa malikot na alon o 'di kaya ay nakaabang sa biyayang ihahagis ng mga mangingisda. Naging tanawin na sa Bantigue ang pagdagsa ng tagak tuwing umaga.

Pasikat pa lamang ang araw ay sinalubong na ng mga batang tumatakbo ang alon sa dalampasigan. Naging katuwaan na nilang paliparin ang mga ibon bilang katuwaan. Ngunit iba ang pakay ni Moymoy ngayon sa dalampasigan.


Doon sa may Vergara


Litrato ni tuyong tinta ng bolpen.
May nagsabi sa akin na hindi pa pwedeng mamatay si Kardo sa Probinsyano kaya dapat umilag siya sa RPG. Hindi dahil sa mataas ang rating nito sa primetime kundi sa mga artistang tinetesting kung sisikat at para sa mga laos na pwede pang makabalik ng limelight. Testing waters ika nga ng mga burgis.

Iba't iba talaga ang topic kapag inuman kaya pati si Kardo napag-usapan. Hindi daw kasi nalalayo si Dalisay sa aming kapitbahay. Hindi pa pwede magretiro kahit nanlalagas na ang puting buhok kasi madami pang umaasa. Tapos bigla kaming nagtawanan. Late bloomer daw kasi ang matanda.


May UTI si pareng Omar. Tamad daw kasi siyang uminom ng tubig pero kaya nyang lumaklak ng isang dosenang redhorse kahit hindi naman bumibili. Madaming nainom si pare. Maya maya umiyak nang wala dahilan. Tama may UTI sya. Uminom Tapos Iyak. Naiscam pala sya. Hindi pera kundi sa pag-ibig. Matapos mag-invest ng feeling nawala na. ayun iyak si kolokoy.

Uuwi na Siya


Litrato ni tuyong tinta ng bolpen. Hindi maganda ang araw na ito. Ito na siguro ang tinatawag nilang maling bangon sa higaan. Inuuna ko ang kape bago ang asukal sa tuwing magtitimpla ako ng kape pero ngayon asukal muna sa pagbabakasakaling may mababago sa araw na ito.

"Uuwi na ang Papa mo. Susunduin na ng Mama mo. Kaalis-alis lang nila papuntang airport." Iniabot sa akin ni Lola ang plato ng hotdog at ilog. "Iikot mo ang plato mo." Ugali na sa pamilya namin na iikot ang platong kinakainan sa tuwing may paalis na myembro ng pamilya.

Si Nicole Hyala Kasi


Litrato ni tuyong tinta ng bolpen.
Umiiyak na naman si ate. Ilang araw na siyang hindi kumakain ng normal sa kanyang capacity. Gusto ko sana siyang lapitan subalit hindi ko alam kung paano at ano ang nararapat na salita para kalamayin ang loob niya. Wasak na naman siguro ang puso niya. Sumigaw si ate tapos umiyak. Nadagdagan na naman pala ang timbang.

Si James Yap Kasi


Litrato ni tuyong tinta ng bolpen.2008 pala noong huli akong nanood ng pelikula sa sinehan madalas kasi sa bus na lang.

Sinaniban ako ng anghel ng kasipagan kaninang umaga. Isinulong ko ang aparador pakanan sa pwesto ng inaagiw na computer monitor. Hindi ko na kailangan maghukay para makatuklas ng mina madalas matatagpuan ito sa likod o ilalim ng aparador. Nandoon pala ang nawawala kong pouch. Tanda ko pa na pinagbintangan ko si Gelo sa pagkawala nito. Muntik pa kami magkainitan. Magsorry pa kaya ako? Hindi na siguro. Sure ako hindi lang ako ang guilty ng ganito sa mundo. Tama?

Unang Halik


"Single by choice o single by no choice?" Binilugan ng babaeng nasa reception ang civil status sa kapirasong papel na nagdidikta ng aking pagkatao at kakayahan. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga siya.

Matatawa na maasar ako sa tanong ni Charry pagkatapos ibigay sa akin ang result ng medical. Okay naman daw lahat ang resulta mula X-ray, CBC, stool, urine at ECG. Kung may extra akong pera magpapasecond opinion ako sa ibang laboratory. Sabi sa ECG okay daw ang puso ko, panong nangyari 'yon broken hearted ako?

Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part 3


credits : meldita
Kung ako ang tatanungin ng mga nagbabalak magkolehiyo ay agad isasagot ko na pinakamahirap ang mag-aral sa Calamba. Hindi biro ang pag-aaral kung madaming magandang babae kahit sa pinakatahimik na sulok ng library, sangkatutak na hot spring resort na patok sa parehong taglamig at tag-araw at higit sa lahat non-stop na gimikan na umaabot ng madaling araw. Kaya bilib ako at medyo badtrip na din kay Kuring. Biruin mo nagagawa niyang balensehin ang pag-aaral, pagliliwaliw, pagpapa-good vibes at pag-iwas sa gawaing bahay. Hindi naman ako pabayang estudyante at hindi nagpapaiwan sa lesson dahil mas mahirap ang maghabol. Kung tutuusin busy ako sa academics pero sa tuwing magdecide akong magbulakbol ng konti upang maiba naman ang simoy ng hangin doon pa sumasablay.

"Pre fiesta kina Jorge. Samahan mo ko. Saglit lang naman tayo," yaya noon ni Aldrin.

"May exam ako mamayang 4pm e."

"Oh? May apat na oras pa. Vacant pa naman tayo. Saglit lang. Hindi tayo magtatagal." At ayun sumama ako.

Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part 2



credits : meldita martinez
"Konrad Lorenz, huwag mong kalimutan ang bilin ko ha?" Sa totoo lang nawiwirduhan ako sa maling spelling ng aking pangalan na tunong singer pa. Palibhasa science teacher si Ermat kaya binigyan ako ng pangalan mula sa librong binabasa noong nalamang nagbubuntis siya.

"Yes pa." Tumawag si Erpat nang makarating sa kanya na sinundo ako ni Bianca.


Bukod kay Bianca, mahilig din sa garden si Erpat pero ang trip niyang gawin taniman ay ang ulo ko. Hindi na yun bago. May multo sa kanyang isip na gagawa ulit ako ng ikasisira ng pamilya namin. Sa dinami-dami nga naman ng tao sa lugar namin ay sa akin pa naging close ang anak ng dating bossing nya. Kaya itanim ko daw sa aking kokote na huwag gagawa ng masama o kahit konting pagnanasa sa tuwing kasama ko si Bianca. Madami siyang batas na kailangan ko daw isaisip sa lahat ng pagkakataon. Una, sa sobrang puti ni Bianca huwag ko daw masyado hawakan ng sobrang higpit dahil baka magkaroon ng pasa.

Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita)


credits : meldita martinez
Dapat nakahiga pa ako at natutulog ng mahimbing dahil wala namang pasok ngayong araw. Bihirang pagkakataong maghiwalay kami ng aking unan pagsapit ng ala-sais ng umaga. Pero heto ako ngayon nakikipagbuno at kumukuha ng lakas sa dingding. Ewan ko ba kung bakit binigyan ako ng mahinang panunaw kaya kapag medyo ginahan o wala laman ang sikmura ay sira agad ang tyan. Napurnada tuloy ang continuation ng aking panaginip na malapit na sana sa climax. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng damsel na baka senyales ng tunay na pag-ibig. Malay mo di ba? Kung bakit ba naman mag-uumaga na saka dinalaw ng panaginip.

"Anak! Matagal ka pa ba dyan?" Sinlaki ng paminta ang aking pawis pero dinadaan lang ako sa padila-dila na tila nang-aasar.

"Sandali na lang po!" sigaw ko.

Tugs! Tugs! Tugs!


Ayun na nga walang natuloy sa mga planadong Christmas Party. Naging madalas ang overtime at ang ibang nagplano may personal conflict sa schedule. Kanina balik na sa dati ang lahat medyo nadaan lang sa kantyaw si manager kaya nauwi sa inuman.