Skinpress Rss

Ben&Ben





Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon

Gaano kabilis nag simula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nagiisa


Hindi ko trip ang kanta ng Ben&Ben. Kaya lang parang naisip nila ang mangyayari sa akin. Sa amin. Sana may reset para kapag may mali pwede umulit. Kung may sablay pwede ang bawian. Walang hiwalayan. Alright yun di ba? Para hindi maging kathang-isip na tayo ay pwede pa.

Muntik akong malagutan ng hininga dahil sa kalagitnaan ng kanta at pagbirit ko bigla mong sinabing ang hirap na magpanggap. Na ang mga yakap wala ng pagkakaiba sa sakal. Ang hirap na maging masaya.

Gutom


Nawalan ng silbi ang huling stick ng sigarilyo na magtatawid sana ng aking stress at gutom. Hinayaan kong maupos at tangayin ng hangin ang usok na kadalasan nagpapabalik ng nakalutang kong pagkatao. Hindi ko alam kung paano magsurvive ngayong araw lalo na siguro sa kinabukasan.

Lutang.

Disoriented.

Gutom.


Pumutok ang balita. Masaya ang lahat dahil sa sa wakas nagkaroon na ako ng chance makakuha ng project sa RSSI. Makababayad na ako ng utang sa kanila. Tango ng client lang ang kulang. Pero hindi na naman naging patas ang oras sa akin. Isang kurap ang katumbas ng saya. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit buhos sa iba ang pagsubok samantalang may mga taong pinipiling abusuhin ang sarili at palampasin ang magandang pagkakataong nakalatag na agad sa kanila.


Fried Kamote


"Pare kasalanan na ba kapag nahulog ka sa isang tao habang nasa relationship pa?" Muntik tumapon ang hawak kong ballpen sa sinabi ni Rik. Matik na yun dapat. Pangit naman yung makakasakit ka ng iba habang ikaw tuloy ang ligaya.

Base sa kwentuhan sa tindahan ni Manong Dukot, malaki daw ang contribution ng mga broken-hearted sa benta ng alak at biogesic. Bagamat naaawa sya, sayang naman daw ang income opportunity kaya inaalok na din ang cup noodles.


"Oo naman pre! Adik ka ba?" sumbat ko. "Okay naman kayo ng jowa mo!"

Seminar


Parang pagtama sa jueteng ang pagkikita namin ni Omi. Chambahan. Siya ang bespren kong hindi ko naman namisplace pero biglang nawala. At makikita kapag hindi na hinahanap.

Nag-aral sya sa unibersidad hindi upang matuto kundi sa paghahanap ng sagot sa mga kakaiba niyang pananaw at paniniwala. Sa madaling salita kakaiba syang mag-isip. Pang-alien. Out of this world. Wala sa Webster. Pero hindi siya weird o nerd.

"Ano dre? Mayaman na?" salubong niya sa akin. "Order ka. Beer? Pulutan? Sige lang!"